"Saan Patungo Ang Umaga?"
Kapaligirang puno ng kaguluhan
Bayang kapos sa sariling kaligtasan
'Di alam kung saan ang patutunguhan
Dahil lugar mo'y walang kapayapaan
Tulad ng mga batang laki sa lansangan
Pagtatrabaho ang unang nasilayan
Pagka't karununga'y kulang sa isipan
Dahil ba pera ang unang kailangan?
Kayamanan, ito ang tunay na sanhi
May pamilyang sobra-sobra ang salapi,
Mayroon namang wala na pati budhi
Siguro'y masamang gawi ang napili?
Bakit ang kahirapa'y sadyang masaklap
Gobyerno ba natin ay naging maagap?
Adhikain nila ay ipinakalap
Ngunit ang tulong ay kay hirap mahanap
Pagbubuwis ng buhay ay 'di kailangan
Upang tawagin na bayani ng bayan
Bigkis ng pag-asa at kapayapaan
Ito ang daan sa ating kaunlaran
Saan ba patungo ang isang umaga
Kung ang liwanag ay hindi mo makita?
Panalangin ang dapat nating sandigan
Upang pagbabago'y tuluyang makamtan
Tulad ng mga batang laki sa lansangan
Pagtatrabaho ang unang nasilayan
Pagka't karununga'y kulang sa isipan
Dahil ba pera ang unang kailangan?
Kayamanan, ito ang tunay na sanhi
May pamilyang sobra-sobra ang salapi,
Mayroon namang wala na pati budhi
Siguro'y masamang gawi ang napili?
Bakit ang kahirapa'y sadyang masaklap
Gobyerno ba natin ay naging maagap?
Adhikain nila ay ipinakalap
Ngunit ang tulong ay kay hirap mahanap
Pagbubuwis ng buhay ay 'di kailangan
Upang tawagin na bayani ng bayan
Bigkis ng pag-asa at kapayapaan
Ito ang daan sa ating kaunlaran
Saan ba patungo ang isang umaga
Kung ang liwanag ay hindi mo makita?
Panalangin ang dapat nating sandigan
Upang pagbabago'y tuluyang makamtan
No comments:
Post a Comment