Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Sunday, February 23, 2014

Sunday's Literature 008

"TEKNOLOHIYA"


Tayo ay masigasig sa pamumuhay
Masisipag sa mga aspeto ng buhay
Dahil ayaw nating mawalan ng saysay
Mga paghihirap ay nais magtagumpay

Ngunit bakit nagkaganito ang mundo?
Kasipaga’y tila din a naging buo
Pamumuhay natin ay parang nalumpo
Ating mga paa’y hindi na makatayo

Teknolohiya: ikaw ba ang sanhi?
Gawain nami’y ginawa mong madali
Kasipagan nami’y iyong ikinubli
Katamaran sa sarili’y namutawi

Iyong mga imbensyon at mga makinarya
Ito’y nakatutulong naman talaga
Lalo na sa mga gawaing mahalaga
Husay mo ay sadyang kaiga-igaya

Subalit epekto’y di naging maganda
Resulta’y nakukuha ng kisapmata
Mga tao’y sayo na lamang nakaasa
Wala ng pagsisikap na nakataya

Bunga nito’y hindi na maiiwasan
Kaya’t tayong mga madla’y dapat umaksyon
Ialis sa sarili ang katamaran

Nang tamang benepisyo’y maaasahan


Sunday, January 12, 2014

Sunday's Literature 002


"Saan Patungo Ang Umaga?"

Kapaligirang puno ng kaguluhan
Bayang kapos sa sariling kaligtasan
'Di alam kung saan ang patutunguhan
Dahil lugar mo'y walang kapayapaan

Tulad ng mga batang laki sa lansangan
Pagtatrabaho ang unang nasilayan
Pagka't karununga'y kulang sa isipan
Dahil ba pera ang unang kailangan?

Kayamanan, ito ang tunay na sanhi
May pamilyang sobra-sobra ang salapi,
Mayroon namang wala na pati budhi
Siguro'y masamang gawi ang napili?

Bakit ang kahirapa'y sadyang masaklap
Gobyerno ba natin ay naging maagap?
Adhikain nila ay ipinakalap
Ngunit ang tulong ay kay hirap mahanap

Pagbubuwis ng buhay ay 'di kailangan
Upang tawagin na bayani ng bayan
Bigkis ng pag-asa at kapayapaan
Ito ang daan sa ating kaunlaran

Saan ba patungo ang isang umaga
Kung ang liwanag ay hindi mo makita?
Panalangin ang dapat nating sandigan
Upang pagbabago'y tuluyang makamtan



Sunday, January 5, 2014

Sunday's Literature 001


"Si Juan Dela Cruz"

Kaunlaran ang tangi niyang pangarap
Maiahon ang taong lugmok sa hirap
Iwasan ang mga kaguluhang masaklap
Bayan nati'y gawing maayos at tanggap

Simple lang naman pangarap ni Juan
Bansang ito ay bigyan ng katarungan
Maayos na pamamahala sa bayan
Gobyernong tapat at makatotohanan

Ang halalan ay inaabangan niya
Sapagkat pagtakbo mo ay mahalaga
Nais niya'y isabuhay ang plataporma
Hindi ang pansarili mong adyenda

Pagpapasikat mo sa telebisyon
'Di mahalaga pati ang iyong posisyon
Bagkus ang kailangan ay edukasyon
Hindi ang iyong natatanging korapsyon

Termino mo ay gawing makabuluhan
Bigyan ng kasagutan ang kahirapan
Upang gawi ng ating mamamayan
Hindi masayang pati kapaguran

Kumilos ka na at iyo ng simulan
Mga pagbabagong asam ng bayan
Upang manatili ang katahimikan
Dahil ang bayan mo ay bayan rin ni Juan