Sunday, February 23, 2014

Sunday's Literature 008

"TEKNOLOHIYA"


Tayo ay masigasig sa pamumuhay
Masisipag sa mga aspeto ng buhay
Dahil ayaw nating mawalan ng saysay
Mga paghihirap ay nais magtagumpay

Ngunit bakit nagkaganito ang mundo?
Kasipaga’y tila din a naging buo
Pamumuhay natin ay parang nalumpo
Ating mga paa’y hindi na makatayo

Teknolohiya: ikaw ba ang sanhi?
Gawain nami’y ginawa mong madali
Kasipagan nami’y iyong ikinubli
Katamaran sa sarili’y namutawi

Iyong mga imbensyon at mga makinarya
Ito’y nakatutulong naman talaga
Lalo na sa mga gawaing mahalaga
Husay mo ay sadyang kaiga-igaya

Subalit epekto’y di naging maganda
Resulta’y nakukuha ng kisapmata
Mga tao’y sayo na lamang nakaasa
Wala ng pagsisikap na nakataya

Bunga nito’y hindi na maiiwasan
Kaya’t tayong mga madla’y dapat umaksyon
Ialis sa sarili ang katamaran

Nang tamang benepisyo’y maaasahan


No comments:

Post a Comment